Pangulong Duterte: Tsina, kaibigan at katuwang para sa kapayapaan at kaunlaran

Itinuturing ng Pilipinas ang Tsina bilang kaibigan at katuwang para sa kapayapaan at kaunlaran. Ito ang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang talumpati sa pamamagitan ng video link sa Communist Party of China and World Political Parties Summit noong Martes, ika-6 ng Hulyo.

Ani Duterte, kapuwa pinahahalagahan ng Pilipinas at Tsina ang win-win cooperation, pagkakaibigan at mutuwal na paggalang.

Umaasa aniya siyang patuloy pang yayabong ang malalim at matagal nang ugnayang Pilipino-Sino.Pinasalamatan din ni Duterte ang pagdamay at pagsuporta ng Tsina sa pakikibaka ng Pilipinas laban sa coronavirus disease para bumalik sa normal ang kabuhayan ng bansa.

May tiwala aniya siya sa kolektibong talino ng nasyong Tsino.

Naniniwala si Duterte na gagamitin ng Tsina ang bagong lakas para mapangalagaan ang kabutihan at katuwiran ng sangkatauhan.

Source: http://filipino.cri.cn/20210706/2ce0af08-fc16-82f2-c647-1010ac18bd56.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.