PNP nagtayo ng help desks sa evacuation centers sa Taal

Nagtayo ang Philippine National Police ng Police Assistance Desks sa evacuation centers malapit sa bulkang Taal.

Sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar, base sa datos ng Batangas Police Provincial Office, mahigit 1,600 pamilya ang nanuluyan sa 10 evacuation centers sa munisipalidad ng Laurel, Talisay, Balete at Agoncillo.

Ani Eleazar, “I have already directed the Commander, JTF COVID Shield and the Regional Director of (Police Regional Office) 4A to set up Police Assistance Desks in all the evacuation centers in Batangas to ensure that their security and health safety are assured 24/7.”

Dagdag niya, “Kasama rito ang pag-designate ng COVID-19 protocol officer na makikipagtulungan sa local health office at LGU upang hangga’t maari ay matiyak na napaptupad ang minimum public health safety protocol sa mga evacuation centers.”

Naglatag din ng checkpoint upang mapigilan ang lokal na residente na bumalik sa kanilang mga tahanan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/07/04/2110007/pnp-nagtayo-ng-help-desks-sa-evacuation-centers-sa-taal

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.