DOH kay Pacquiao: Hindi kami bumibili ng pa-expire na gamot ‘para makatipid’

Pinabulaanan ng Department of Health ang mga paratang ni Senador Manny Pacquiao na sadyang bumibili ang kagawaran ng gamot na malapit nang mapanis sa regular na halaga kahit na bagsak-presyo na rapat ito.

Inilalabas ni Pacquiao ang naturang akusasyon, na galing daw sa isang independent probe, matapos kumasa sa hamon ng kapartidong si Pangulong Rodrigo Duterte na isiwalat ang mga katiwalian sa kanyang gobyerno. Kung hindi raw kasi ito gawin ni Pacquiao, mangangampanya ang presidente laban sa kanya sa 2022.

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “So we have protocols, and there are specific agencies of government and we have different laws that would say na hindi kami pwedeng bumili ng near expiring [na gamot].”

Dagdag niya, “Meron po kaming mga polisiya tungkol diyan na ang pwede lang naming tanggapin at i-procure na gamot ay may shelf life na 18 to 24 months.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/07/05/2110335/doh-kay-pacquiao-hindi-kami-bumibili-ng-pa-expire-na-gamot-para-makatipid

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.