‘Wag maging kampante sa COVID-19 – DOH

Nagpaalala ang Department of Health na hindi dapat maging kampante sa pagiging ‘low risk’ sa classification ang Pilipinas dahil nananatili pa ring maselan o fragile pa ang sitwasyon laban sa COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na ang classification ng bansa ay bunga lamang ng “factual figures” na ibig sabihin na nasa low risk na ang bansa batay sa 2-linggong growth rate at attack rate ng virus.

Paliwanag ni Vergeire, “Pero kung titingnan natin ang bawat rehiyon sa ating bansa makikita natin na may mga rehiyon na pataas ang kaso. So this low-risk classification should not be advertised or hindi dapat ma-encourage ang aming kababayan na maging complacent.”

Aniya pa, “Sa NCR nagsi-speed up pero in other parts of the country we should be doing that as well.”

Nauna rito, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na ang bansa ay nasa low national risk classification na sa COVID-19.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/07/04/2110003/wag-maging-kampante-sa-covid-19-doh

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.