Pangulong Tsino, nakikidalamhati sa trahedya ng bumagsak na eroplanong militar ng Pilipinas

Ipinarating noong ika-6 ng Hulyo ni Pangulong Xi Jinping ng bansang Tsina ang mensahe ng pakikidalamhati kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas kaugnay ng pagbagsak ng isang C-130 plane ng Philippine Air Force sa Sulu sa Mindanao.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni President Xi, na siya ding general secretary ng Communist Party of China Central Committee, na ikinagulat at ikinalungkot niya ang trahedyang nauwi sa malaking kasuwalti.

Ani Xi, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag niya ang pagdadalamhati sa sinapit ng mga namatay, pakikiramay sa kanilang mga kamag-anak, at pangungumusta sa mga nasugatan.

Ayon sa Kagawarang Pandepensa ng Pilipinas, sa halos sandaang pasahero, 53 katao ang namatay sa naturang aksidente na naganap noong Linggo, ika-4 ng Hulyo, sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.

Source: http://filipino.cri.cn/20210706/59da163e-7390-6be6-3e6e-ec5c6b67fa77.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.