410,000 nawalang trabaho sa bansa nabawi nitong Mayo sa gitna ng pandemya

Dumami ang bahagdan ng populasyon na nabawi ang nawala nilang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic nitong Mayo, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Statistics Authority.

Nasa 3.73 milyong katao kasi ang naitalang walang trabaho o negosyo nitong Mayo 2021, bagay na mas mababa sa 4.14 milyon noong Abril.

Ayon sa pahayag ng PSA, “Ang unemployment rate ay naitala sa 7.7 percent nitong Mayo 2021. Ito ay mas mababa kumpara sa naitala noong Abril 2021 na 8.7 percent.”

Gayunpaman, mas marami pa rin ang walang trabaho ngayon kumpara sa 3.44 milyon na jobless noong Marso.

Patuloy ng PSA, “Nitong Mayo 2021, 7.7 percent ng mga kalalakihan na nasa labor force ang walang trabaho o negosyo. Ito’y bahagya lamang mataas sa unemployment rate ng mga kababaihan na nasa 7.6 percent.”

Umabot sa 15-year record high ang unemployment sa 2020 sa 10.3% na katumbas ng 4.5 milyong Pilipino.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/07/01/2109471/410000-nawalang-trabaho-sa-bansa-nabawi-nitong-mayo-sa-gitna-ng-pandemya

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.