Panganib sa kalusugan ng ‘sulfur dioxide’ nakaamba sa mga residente sa Taal

Nagpaalala ang Department of Health sa mga residente ng Batangas at Cavite na malapit sa nag-aalburuto ngayong bulkang Taal na magsuot ng mga pang-proteksyon upang hindi masinghot ang ‘sulfur dioxide’ na ibinubuga ng bulkan at makakasama sa kalusugan lalo na ng mga may kundisyon sa baga.

Ipinayo ni Health Undersecrerary Maria Rosario Vergeire sa mga residente na magsuot ng N95 masks, goggles at iba pang pang-proteksyon sa mata lalo na ng mga may sakit na asthma, bronchitis, emphysema at iba pa.

Ayon kay Vergeire, “Ang ibinubuga pong sulfur dioxide o kung magbubuga ng abo ang bulkan ay nakakasama sa kung sino mang makakalanghap nito.”

Libo-libong residente ng Batangas at Cavite na malapit sa bulkang Taal ang inilikas dahil sa pangamba na mas matitindi pang pagsabog na magaganap, pagkatapos nitong magbuga ng isang kilometrong taas na “phrea­tomagmatic” na abo.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/07/03/2109828/panganib-sa-kalusugan-ng-sulfur-dioxide-nakaamba-sa-mga-residente-sa-taal

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.