Suriin ang hiringgilya matapos bakunahan – DOH

Pinayuhan ng Department of Health ang publiko na matapos mabakunahan ay hilingin sa vaccinator na makita ang ginamit na hiringgilya upang matiyak na tagumpay ang pagbibigay sa kanila ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, isa ito sa praktikal na solusyon na maaaring gawin kontra sa naglalabasan na ulat na palpak na pagbabakuna sa iba’t ibang vaccination sites.

Bukod sa pag-inspeksyon sa hiringgilya, hinikayat din ni Duque ang publiko na kunan ng video ang aktuwal na pagpapabakuna kung may kasama at kunan ng litrato ang hiringgilya na ginamit.

Bukod sa nakatiyak na nabakunahan ng tama, sinabi niya na ebidensya rin ang litrato lalo na kung may magtatanong kung totoong nabakunahan na sila.

Muling iginiit ni Duque na ‘human error’ lamang ang mga pangyayari na hindi naiturok ng maayos ang bakuna.  May tatlong video nang naglabasan ukol sa palpak na pagpapa-iniksyon ng bakuna.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/07/04/2110002/suriin-ang-hiringgilya-matapos-bakunahan-doh

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.