Tsina, handang ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad sa ibang bansa

Ayon sa ulat na ipinalabas kamakailan ng tanggapan ng World Bank sa Tsina, naging mas malakas ang kompiyansa ng mga mamimili at kompanyang Tsino, at naging mas mabuti rin ang merkado ng lakas-paggawa sa bansa.

Aabot anito sa 8.5% ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa 2021.

Kaugnay nito, ipinahayag ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na malugod na tinatanggap ng bansa ang aktibong pagpasok ng iba’t ibang panig sa pamilihang Tsino.

Aniya, nais ibahagi ng Tsina ang pagkakataon ng pag-unlad sa mamamayan ng iba’t ibang bansa para isakatuparan ang magkakasamang pag-ahon.

Sinisimulan na ng Tsina ang bagong yugto ng pag-unlad, isinasakatupran ang bagong ideya ng pag-unlad, itinatatag ang bagong kayarian ng pag-unlad, at pinapasulong ang dekalidad na pag-unlad, upang ipagkaloob ang mas maraming pagkakataon sa pamumuhunan at paglaki para sa mga partner galing sa iba’t ibang bansa.

Source: http://filipino.cri.cn/20210702/7b895dec-152b-7ddf-28c6-32a031eda897.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.