Bubble training ng pros sa NCR pwede na

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force na magsanay sa NCR ang professional teams gaya ng Philippine Basketball Association at Premier Volleyball League.

Subalit nilinaw ng IATF na kailangang naka-bubble ang training upang masiguro na ligtas ang lahat ng players, coaches, staff at officials.

Nakasaad ang go signal sa Joint Administrative Order na binuo ng Games and Amusement Board, Department of H ealth at Philippine Sports Commission.

Ani GAB chairman Baham Mitra, “With regard to basketball, volleyball and football competitions, no actual games but they can now train in GCQ areas provided that they do it in a bubble or in a restricted environment.”

Kaya naman masaya ang mga pro teams partikular na sa mga PBA teams na dumarayo pa sa malalayong lugar gaya ng Batangas City, Pampanga at Ilocos Norte para makapagsanay lamang. Target ng PBA na masimulan na ang Season 46 Philippine Cup sa buwan na ito.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/07/03/2109913/bubble-training-ng-pros-sa-ncr-pwede-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.