May kabit na pulis binalaan ni Eleazar

Nagbabala si Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng mga pulis sa buong bansa na maparurusahan ang sinumang mapapatunayang may mistress o kabit.

Ayon kay General Eleazar, ang pagkakaroon ng extra marital affairs ay paglabag sa kanilang code of ethical standards sa kapulisan. Aniya, dapat na maging tapat ang bawat isang pulis sa kanilang asawa, anak at pamilya.

Sinabi ng PNP chief, “Kung may magrereklamo na original na asawa ay may pananagutan ang pulis at puwede pong matanggal sa serbisyo kung mapapatunayan.”

Sinabi ni General Eleazar na marami siyang natatanggap na impormasyon sa kanyang opisina ng kakulangan ng sinasahod ng mga pulis at ito daw ay dahil sa pagkakaroon ng ‘kabit’ na binibigyan at ginagastusan nila ng pera.

Giit ng chief PNP, ang pagiging tapat sa tungkulin ay pagiging tapat din sa iyong asawa, anak at pamilya.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/30/2109027/may-kabit-na-pulis-binalaan-ni-eleazar

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.