Mga empleyado ng Quezon City hall, tatanggap ng hazard pay

Makakatanggap ng hazard pay ang mga empleyado ng Quezon City hall. Ito ay makaraang lagdaan ni Mayor Joy Belmonte ang paglalaan ng 250 milyon piso para sa employees’ hazard pay ng lahat ng eligible workers na nagtrabaho sa panahon ng enhanced community quarantine at modified ECQ.

Pahayag ni Belmonte, “All our workers on-duty deserve to be fairly compensated for their sacrifices especially since they face the inevitable risk of contracting the virus. They deserve no less as they continue to support us in the delivery of our services and programs to the public.”

Sa ilalim ng ordinance, ang lahat ng regular, contractual o casual employees o kahit na nasa contract of service, job order ay pawang qualified tumanggap ng 500 piso hazard pay kada araw ng pagpasok sa trabaho.

Ang mga barangay personnel na may plantilla at contractual positions ay bibigyan ng lokal na pamahalaan ng hazard pay na 200 piso per day.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/29/2108868/mga-empleyado-ng-quezon-city-hall-tatanggap-ng-hazard-pay

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.