P100K insurance ibibigay sa may ‘adverse effects’ ng COVID-19 vaccines

Magbibigay ang PhilHealth ng 100,000 pisong ‘compensation package’ para sa isang miyembro na makararanas ng seryosong adverse effects at maoospital makaraang makatanggap ng COVID-19 vaccines.

Para sa permanent disability o pagkasawi, maka­tatanggap ang miyembro o ang kanilang benepisyaryo ng lumpsum na aabot sa 100,000 piso na babayaran ng isang beses lamang.

Sinabi ni PhilHealth Vice President Shirley Domingo na magiging available ang ‘compensation package’ hanggang sa Marso 2, 2026 o hanggang sa makumpleto na ng bansa ang COVID-19 vaccination program.

Maaari naman itong palawigin ng Pangulo, depende sa rekomendasyon ng advisory committee.

Para maging ‘eligible’ sa pagkuha ng kompensasyon, kailangang masuri muna kung may ‘direct casuality’ o may direktang kaugnayan sa bakuna ang pagpapaospital ng isang miyembro.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/30/2109097/p100k-insurance-ibibigay-sa-may-adverse-effects-ng-covid-19-vaccines

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.