5,000 mga kumpiskadong baril, winasak

Pinangunahan ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang demilitarization o pagwasak sa nasa 5,000 na mga armas na nakumpiska sa ibat-ibang police operations.

Ayon kay Eleazar, mahalaga na sirain at wasakin ang mga armas na hindi na nagagamit para mabawasan na ito sa kanilang inventory.

Kasama ng chief PNP ang kaniyang command group at iba pang opisyal sa pagwasak ng mga nasabing mga armas.

Kabilang sina Deputy Chief for Administration Lieutenant General Joselito Vera Cruz; Deputy Chief for Operations Lieutenant General Ephraim Dickson at Deputy Chief for Directorial Staff Lieutenant General Dionardo Carlos.

Winasak ang mga nasabing armas sa harap mismo ng PNP National Headquarters sa Camp Crame sa Quezon City.

Ani General Eleazar, “Yes tama ‘yung iba ay mga narekober natin. Others were turned over, others are issued firearms but beyond economic repair.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/29/2108871/5000-mga-kumpiskadong-baril-winasak

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.