Factory worker na pinasuweldo ng barya bibigyan ng trabaho ng Valenzuela LGU

Tutulungan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na makahanap ng maayos na kompanya at mapagtatrabahuhan si Russel Mañosa, ang empleyadong pinasahod ng puro barya at dumanas ng demoralisasyon at pang-iinsulto sa kompanyang NexGreen Enterprises.

Si Mañosa ang factory worker na sinuwelduhan ng NexGreen na pagmamaya-ari ni Jasper Cheng So ng baryang 5 at 10 centavo coin na ikinagalit ng mayor. Ayon kay Gatchalian, marami pang maayos na employer sa lungsod na maaaring paglipatan kay Mañosa.

Aniya, “Handa na kaming i-deploy siya ulit sa mas maayos at mas reputable na pabrika dito sa Valenzuela City, kasi marami namang naghahanap ng mga operator ng machine katulad ni Russel na may skills.”

Samantala, sinabi rin ni Gatchalian na malaki ang posibilidad na makulong ang may-ari ng NexGreen Enterprises na si Jasper Cheng So dahil sa patung-patong na mga paglabag sa labor laws.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/07/02/2109583/factory-worker-na-pinasuweldo-ng-barya-bibigyan-ng-trabaho-ng-valenzuela-lgu

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.