Herd immunity makokopo ng Quezon City sa Setyembre – Mayor Joy

Tiwala ang Quezon City government na makakamit ng lungsod ang herd immunity sa buwan ng Setyembre.

Ito ang sinabi ni Mayor Joy Belmonte dahil tuluy-tuloy na ang pagrerehistro ng mga taga- Quezon City na mababakunahan at wala ng aberyang nararanasan dahil sa inilunsad na local government unit assisted registration portal para sa kanilang vaccination program.

May 113,000 taga-Quezon City ang inaasahan namang mabakunahan sa mga darating na araw dahil “smooth sailing” na ang bagong platform.

Pahayag ni Mayor Belmonte, “We look forward to finishing way before the six months period that is given to us. We can easily finish by September at the latest.”

Umaasa si Belmonte na ang suplay ng bakuna ay magiging stable dahil sa pagdating ng dagdag na Sinovac at Moderna vaccines.

Dahil sa bagong platform, ang Quezon City government ay nakakapag-bakuna ng hanggang 35,000 vaccine shots kada araw.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/07/02/2109587/herd-immunity-makokopo-ng-quezon-city-sa-setyembre-mayor-joy

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.