‘Fully vaccinated’ na nagka-COVID sa bansa 68 sa 2.15 milyon o 0.003% lang — FDA

Aminado ang Food and Drug Administration na nakapagtatala pa rin ng COVID-19 infections sa mga nababakunahan na laban sa virus — pero labis itong nababawasan habang nakumpleto na ang dalawang doses.

Sa kabila nito, meron pa ring mangilan-ngilang “breakthrough infections” na naitatala, o ‘yung mga tinatamaan pa rin ng COVID-19 kahit dalawang doses na ang naituturok, sabi ni FDA director general Eric Domingo.

Kahit may nagkaka-COVID pa rin sa mga kumpleto ang bakuna, kapansin-pansin na mas maliit ito ‘di hanak sa mga tinamaan ng virus na unang dose pa lang ang nakukuha. Wala ring namamatay sa kanila ni isa.

Paliwanag ni Domingo, “Out of 1.6 million na naka-two doses [ng Sinovac], 27 lamang po ang cases ng COVID at zero po ang severe COVID or namatay from COVID. So may nagkasakit pero mga mild lamang. Two weeks after the second dose po ng Sinovac, meron pa ring 33 na nagkaroon ng COVID.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/30/2109210/fully-vaccinated-na-nagka-covid-sa-bansa-68-sa-215-milyon-o-0003-lang-fda

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.