Malacañang tinanggap pagbibitiw ni Parlade sa task force kontra-komunista

Kinumpirma na ng Palasyo ang tuluyang pagbibitiw ng isang kontrobersyal na opisyal mula sa National Task Force to End Local Armed Conflict, bagay na kilala sa pagdidikit sa sari-saring grupo’t indibidwal sa Partido Komunista ng Pilipinas at New People’s Army.

Ani presidential spokesperson Harry Roque, “Tinanggap po ang resignation ni [Lieutenant General Antonio] Parlade as spokesperson of NTF-ELCAC. So that’s what I was able to confirm from [Defense Secretary Delfin] Lorenzana.”

Ngayong araw lang din nang iulat ang kagustuhan ni Parlade na magbitiw sa naturang posisyon, lalo na’t nakwekwestyon ang paghawak niya rito habang nananatiling miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Una na kasing sinabi sa Senado nitong Marso na paglabag sa 1987 Constitution ang kanyang appointment sa pwesto. Nananatili kasing hepe ng Southern Luzon Command ang nasabing opisyal.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/07/01/2109480/malacaang-tinanggap-pagbibitiw-ni-parlade-sa-task-force-kontra-komunista

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.