DOH: Wala pang local case ng Delta variant

Muling tiniyak ni Department of Health-Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman na wala pang naiuulat na lokal na kaso ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

Aniya nananatili pa rin sa 17 ang kaso ng Delta variant na naitala sa bansa at ang mga ito ay pawang mga returning overseas Filipinos lamang.

Sinasabing mas nakakahawa ang Delta variant at mas malaking posibilidad na maospital ng matagal at mas nakamamamatay.

Ani de Guzman na wala pa rin silang natutukoy na lokal na kaso ng Gamma variant sa Pilipinas. Ito’y dahil sa ipinatutupad na mahigpit na border control sa bansa.

Nakakatulong din ang patuloy na pagsunod ng mga mamamayan sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, madalas na paghuhugas ng kamay at physical distancing.

Mahigit 10 milyong na ang nabakunahan. Target ng DOH na makapagbakuna ng 58 hanggang 70 milyon upang makamit ang herd immunity.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/07/02/2109581/doh-wala-pang-local-case-ng-delta-variant

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.