Kooperasyon ng Hong Kong at Pilipinas sa kabuhayan at siyensiya’t teknolohiya, palalakasin

Isang webinar ang magkasamang itinaguyod noong Hunyo 29 ng Commerce and Economic Development Bureau ng Hong Kong at Department of Trade and Industry ng Pilipinas para mapalakas ang kooperasyon ng kapuwa panig sa kabuhayan at siyensiya’t teknolohiya.

Inihayag ng Direktor ng CEDB na ang Hong Kong ay hindi lamang mananatiling primerang plataporma at pangunahing tsanel ng Association of Southeast Asian Nations sa pagpapalawak ng pakikipag-ugnayang pangkabuhayan sa iba’t ibang lugar ng daigdig, kundi magsisilbi ring mahigpit na partner ng sirkulo ng komersyo at mga kompanya ng ASEAN.

Magkakapit-bisig na palalawakin aniya ng kapuwa panig ang pamilihan, at sasamantalahin ang mga bagong pagkakataon sa komersyo at pamumuhunan, lalung lalo na, sa mahahalagang pagkakataong dulot ng Belt and Road Initiative at pag-unlad ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.

Source: http://filipino.cri.cn/20210630/6b6a14c2-f26b-bfa0-3db9-c52d4f321dcf.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.