Gilas PilIpinas maraming natutunan sa FIBA OQT

Walang naipanalo ang Gilas Pilipinas sa dalawang laro nito kontra sa Serbia at Dominican Republic sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade.

Ngunit uuwi ang bagitong Gilas squad bitbit ang malalim na karanasang natutunan nito na magagamit para sa mga susunod na international tournaments.

Kabilang na rito ang FIBA Asia Cup na lalarga sa susunod na buwan sa Jakarta, Indonesia.

Darating ang tropang Gilas Pilipinas sa Ninoy Aquino International Airport na nakataas ang noo dahil sa matikas na ipinamalas nito sa Olympic qualifiers.

Ani Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin, “We will now hit home with lessons in our pocket. We’ll take this on the chin, and we’ll try to learn our lessons and build for the future.”

Matatandaang pinahirapan ng Gilas Pilipinas ang world No. 5 Serbia bago isuko ang 76-83 kabiguan. Nakipagsabayan din ang Pinoy cagers sa Dominican Republic pero kinapos sa huli tungo sa 67-94 pagyuko.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/palaro/2021/07/04/2109943/gilas-pilipinas-maraming-natutunan-sa-fiba-oqt

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.