Mahigit 800K na bakuna, naiturok na sa Quezon City

Umaabot na sa lampas 836,000 doses ng bakuna ang naiturok sa mga qualified recipient ng Quezon City sa pagpapatuloy ng Vaccination Program sa lungsod kontra COVID-19.

Higit sa 602,000 o 35% ng 1.7 milyon na target population ang nabakunahan na ng kanilang first dose habang lampas 233,000 o 14% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mayor Joy ­Belmonte ang mga medical workers at volunteers na siyang nasa frontline upang maisagawa ang Resbakuna ng National Government.

Patuloy ang pagbabakuna sa lungsod para sa mga residente na nagre­histro sa pamamagitan ng city government-assisted booking na QC Vax Easy.

Una nang kinansela ng QC government ang kontrata nito sa eZConsult matapos ang magkakasunod na aberyang naranasan ng mga nagpabook online para magpabakuna.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/07/04/2110054/mahigit-800k-na-bakuna-naiturok-na-sa-quezon-city

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.