2-week free ride sa LRT-2 mula Santolan hanggang Antipolo Stations – DOTr

Inianunsiyo ng Department of Transportation na magsisimula sa Hulyo 5, ang pagkakaloob ng pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 ng dalawang linggong libreng sakay mula Santolan Station sa Pasig hanggang sa Antipolo Station at pabalik.

Ito ay alinsunod sa anunsiyo ni Pangulong Duterte, na sinang-ayunan naman ni DOTr Secretary Arthur Tugade, na magbibigay muna ng libreng sakay ang mga bagong istasyon ng LRT-2.

Sinabi ng DOTr na nais muna nilang iparanas sa mga pasahero ang ginhawang maidudulot nang paggamit ng dalawang bagong istasyon ng LRT-2 upang gamitin nila ito at nang makatulong upang mabawasan na rin ang traffic congestion sa mga lungsod ng Marikina, Pasig, at Antipolo.

Anang DOTr, kaya ng dalawang bagong istasyon ng LRT-2 na kinabibilangan ng Marikina-Pasig at Antipolo stations na mag-accommodate ng karagdagang 80,000 pasahero sa sandaling maging full operation mode na ang mga ito.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/07/04/2110056/2-week-free-ride-sa-lrt-2-mula-santolan-hanggang-antipolo-stations-dotr

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.