Davao City may pinakamataas na COVID-19 ‘reproduction rate’

Nangunguna ang Davao City sa ‘area of concern’ makaraang makapagtala ng pinakamataas na ‘reproduction rate’ ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Ayon sa OCTA Research Group, may pinakamataas na ‘daily COVID-19 average’ ang Davao City na naitala sa 324 mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1.  Habang nasa 66% ang occupancy rate ng kanilang mga hospital beds at 89% sa intensive care unit beds.

Nakapagtala rin ang Davao City ng reproduction rate na 1.4. Ayon sa OCTA, kapag mas mataas sa 1 ang reproduction rate, may nagaganap na ‘sustained transmission’ sa isang lugar.

Tinukoy rin ng OCTA ang mga lungsod ng Iloilo, Baguio, at San Fernando sa La Union bilang mga ‘areas of concern’. Tumaas ng 30% ang mga kaso at healthcare utilization sa Baguio City. Mas mataas naman ng 148% ang mga bagong kaso sa San Fernando City habang patuloy na mataas rin ang mga kaso sa Iloilo.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/07/03/2109827/davao-city-may-pinakamataas-na-covid-19-reproduction-rate

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.