Kompanyang nagpasuweldo ng barya sa empleyado, ipinasara

Tuluyang sinuspinde ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang Nexgreen Enterprise, ang kompanyang nagpasahod ng barya sa isang empleyado.

Ito ayon pa sa alkalde ay dahil sa patung-patong na kaso na kinakaharap ng kompanya.

Humarap si Nexgreen Enterprise owner na si Jasper Cheng So kay Gatchalian at sa nagrereklamong si Russel Mañoza kung saan lumitaw na hindi binabayaran ni So ng tama ang kanyang mga empleyado.

Batay sa computation ng Valenzuela, dapat na bayaran ni So si Mañoza ng 55,649.93 para sa underpayment at hindi pagbabayad ng overtime at holiday pay. Hindi naman ito kinuwestiyon ni So. Wala rin umanong coverage ang mga empleyado sa Social Security System, Pag-Ibig at PhilHealth.

Ayon kay Gatchalian, posibleng hindi lamang si Mañoza ang dumanas ng pang-aapi sa Nexgreen. Pinatotohanan ito ni Mañoza sa pagsasabing maraming empleyado ang umalis at hindi na naghain ng reklamo.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/07/01/2109360/kompanyang-nagpasuweldo-ng-barya-sa-empleyado-ipinasara

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.