DOH: Wala pang patay sa mga ‘fully vaccinated’ vs COVID-19 sa Pilipinas

Sa kabila ng mga bali-balitang may namamatay sa COVID-19 sa mga may kumpleto nang bakuna laban sa virus, tiniyak ng Department of Health na hindi pa ito nangyayari sa Pilipinas habang idinidiing nagbibigay ito ng kaukulang proteksyon laban sa sakit.

Sinasabi kasing nasa 750 na ang fully vaccinated na patay sa Estados Unidos (na asymptomatic at walang coronavirus disease), habang ilang doktor naman sa Indonesia ang binawian na ng buhay kahit “kumpleto ang bakuna.”

Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “[A]tin pong binibigyan ng garantiya ang ating mga kababayan na hanggang sa ngayon, wala pa hong namamatay na fully vaccinated individual dito po sa ating bansa as a result of COVID-19.”

Dagdag niya, “So we have zero cases as a result of COVID-19 vaccines, so ibig sabihin wala, at wala pa rin hong namamatay na fully vaccinated individuals because of COVID-19.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/29/2108938/doh-wala-pang-patay-sa-mga-fully-vaccinated-vs-covid-19-sa-pilipinas

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.