Travel ban sa 7 bansa hanggang Hulyo 15

Pinalawig hanggang Hulyo 15 ang travel ban sa pitong bansa bilang bahagi ng pag-iingat na huwag makapasok sa Pilipinas ang Delta variant ng COVID-19.

Ang pitong mga bansa ay ang India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates.

Pinaalalahanan naman ni Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga airline companies na huwag nang magtangkang magsakay ng mga pasahero sa naturang mga bansa upang hindi mapatawan ng kaukulang mga parusa sa ilalim ng umiiral na batas.

Sa mga pasahero naman na ‘fully-vaccinated’ na at buhat sa mga bansang binigyan ng ‘green tag’ ng BI, kailangan muna na sumailalim sila sa pitong araw na quarantine sa mga health facility bago makapasok sa bansa.

Ang mga hindi pa nababakunahan ay kailangan pa ring sumailalim sa 10-araw na quarantine sa health facility sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/07/01/2109323/travel-ban-sa-7-bansa-hanggang-hulyo-15

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.