Taal evacuees nangangamba sa hawaan ng COVID-19

Tila hindi na alam ng mga evacuees kung takot sa pagsabog ng bulkang Taal o hawaan dulot ng COVID-19 ang kanilang mararamdaman.

Kasunod ito ng isinagawang paglikas ng Batangas local government unit sa mga residente na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

Ang bayan ng Agoncillo at Laurel ang unang nirespondehan ng mga awtoridad sa pag-aalburoto ng Taal. Subalit ayon sa mga evacuees, siksikan din sila sa evacuation center kaya natatakot sila na magkahawaan ng CoVID. Hindi kasi nila alam kung sino ang posibleng positive sa virus dahil dagsa na rin ang mga inililikas.

Tanging mga face mask lamang ang panlaban nila lanan sa asupreng dulot ng Taal at ng CoViD.

Ayon sa mayor ng Laurel, Batangas, lahat ng evacuation center ay may isolation facility upang agad na mamonitor ang mga may lagnat at maihiwalay sa mga walang sakit.

Hindi na rin pinapapasok ang mga hindi evacuees upang maiwasan ang hawaan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/07/03/2109831/taal-evacuees-nangangamba-sa-hawaan-ng-covid-19

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.