Xi Jinping: bagong pag-unlad ng Tsina, magkakaloob ng bagong pagkakataon sa daigdig

Sa okasyon ng pagdiwang ng sentenaryong pagkakatatag ng Partido Komunista ng bansang Tsina, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng bansa na dapat igiit ng mga mamamayang lalaki at babae ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, paunlarin ang bagong relasyong pandaigdig, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

Dinagdag din ni Xi Jinping ang pag-ibayuhin ang de-kalidad na pag-unlad ng Belt and Road Initiative, at ipagkaloob sa daigdig ang mga bagong pagkakataon, sa pamamagitan ng bagong pag-unlad ng Tsina.

Diin pa ni Pangulong Xi, igigiit ng Partido Komunista ng Tsina ang kooperasyon, pagbubukas, mutuwal na kapakinabangan, at win-win na situwasyon, habang tinututulan ang komprontasyon, pagsasarado, zero-sum game, hegemonismo at power politics.

Source: http://filipino.cri.cn/20210701/9d9d4f02-8170-c0e0-3d62-62d425672ea1.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.