NCR iprayoridad pa rin sa bakuna – MMDA

Kaalinsabay sa panawagang maglaan ng mas maraming bakuna laban sa coronavirus disease sa mga lalawigang may mataas na kaso ng COVID-19, iginiit ng Meropolitan Manila Development Authority na dapat maging prayoridad pa rin ang Kamaynilaan.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos na sa Metro Manila pinakamadaling magkaroon ng hawahan ng Delta variant dahil ito ang sentro ng komersyo, negosyo, at pangunahing Port of Entry sa bansa.

Magugunitang na sa labas na ng NCR naitatala ang mataas na kaso ng COVID, na siyang dahilan kaya nanawagan ang mga lokal na pamahalaan dito nang dagdag na mga bakuna.

Una nang binanggit ng mga eksperto na mas nakahahawa ang Delta variant, na unang na-detect sa bansang India.

Kamakailan ay may nadiskubre pa umanong mas transmissible na Delta variant plus na na-detect sa tatlong states sa nasabing bansa na may halos 200 dosenang identified cases.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/24/2107659/ncr-iprayoridad-pa-rin-sa-bakuna-mmda

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.