Manila Mega COVID-19 Field Hospital, nagbukas na

Nagbukas na ang Manila Mega COVID-19 Field Hospital noong isang linggo, kung saan inilipat agad ang nasa 73 pasyenteng may coronavirus disease mula sa anim na pampublikong pagamutan sa lungsod.

Sinabi ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na layon ng pasilidad na mapaluwag ang mga pampublikong pagamutan sa lungsod at higit na makalinga ang mga pasyente.

Naglalaman ng 344 higaan ang Field Hospital na mabilis na itinayo sa loob lamang ng 52 araw sa Burnham Green. Ito’y isang lugar sa Rizal Park na malapit sa Quirino Grandstand. Dito dadalhin ang mga pasyente na may mild at moderate na sintomas ng COVID-19.

Sinabi ni Moreno, “Let me stress, take this opportunity, I would like to thank 362 construction workers, Filipino construction workers who did this day and night.”

Agad naman pinasalamatan ni Moreno ang mga medical frontliners na patuloy ang pagserbisyo at paglaban sa virus.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/26/2108163/manila-mega-covid-19-field-hospital-nagbukas-na

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.