‘Population protection’ sa Metro Manila maaabot sa Nobyembre

Tiwala si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos na maaabot ang ‘population protection’ sa National Capital Region pagsapit ng buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Abalos, “Ang population protection is you protect the first 3: medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities. Siguro kaya ito bago mag-November. Kayang-kaya po ng Metro Manila mayors ito.”

Sinabi niya na nasa 200,000 doses na kada araw ang naibibigay na bakuna laban sa coronavirus disease sa Kamaynilaan na lagpas sa target 120,000.

Bukod dito, patuloy naman ang pagtatag ng ‘healthcare utilization’ habang pababa ang mga kasong naitatala.

Pinalakas na rin ang contact tracing sa paggamit sa 5,000 sa 15,000 contact tracers buhat sa Department of Labor and Employment.

Upang maabot naman ang ‘herd immunity,’ may target ang pamahalaang nasyonal na mabakunahan ang 58 milyong Pilipino ngayong taon.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/23/2107424/population-protection-sa-metro-manila-maaabot-sa-nobyembre

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.