Face-to-face classes tinabla ni Duterte

Ayaw pa ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang face-to-face classes hangga’t hindi nagkakaroon ng herd immunity ang mga mamamayan laban sa COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na papayagan lamang niya ang face-to-face classes kapag nabakunahan na ang lahat.

Ani Duterte kay Department of Education Secretary Leonor Briones sa meeting ng Inter-Agency Task Force kamakalawa, “Dito sa face-to-face, I think I am not inclined to agree with you. I’m sorry but, mahirap, I cannot gamble on the health of the children.”

Nauna rito, ipinanukala ng DepEd ang pagdaraos ng face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Inihayag ng DepEd na target nilang mabuksang muli ang klase para sa School Year 2021-2022 sa Agosto 23, Setyembre 6 o 13.

Ayon sa DepEd, isinumite na nila ang mga petsa upang mapagpilian ng Pangulo. Ilalabas ang pinal na school calendar sa sandaling maaprubahan ito ng Pangulo.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/23/2107460/face-face-classes-tinabla-ni-duterte

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.