Mas mahigpit na quarantine checkpoints vs Delta variant, iniutos

Pinahihigpitan ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang quarantine checkpoints bunsod ng bagong COVID-19 variant sa bansa.

Ayon kay Eleazar, tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng protocol na inilatag ng national government bilang tugon sa banta ng COVID-19.

Naglabas ng abiso ang DOH na kailangang higpitan ang pagpapatupad ng border control checkpoints para pigilan ang pagpasok ng mga bagong kaso ng variant at pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Apela ni Eleazar, hindi lang mga pulis, kundi lahat ng mamayan ay may papel na dapat gampanan para mapigilan ang pagkalat ng variant na ito.

Sa panig aniya ng PNP, makakaasa ang mga mamamayan na patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga Quarantine Control Points, lalo na sa mga lugar kung saan may mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Hinimok ni Eleazar ang publiko na magkaroon ng disiplina sa pagsunod sa mga health protocols.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/22/2107243/mas-mahigpit-na-quarantine-checkpoints-vs-delta-variant-iniutos

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.