Diwa ng pagkakatatag ng CPC, dapat ipagpatuloy – Xi Jinping

Ipinagdiinan noong Huwebes, ika-1 ng Hulyo, ni Pangulong Xi Jinping ng bansang Tsina, na nitong isang daang taong nakalipas, pinalalakas ng Partido Komunista ng Tsina ang diwa ng pagtatatag ng partido, bagay na nagbubuo ng diwang nagpapatuloy sa simulain ng hene-henrasyong mga miyembro ng partido.

Tinukoy ni Pangulong Xi, na ang paggigiit ng katotohanan at pangarap, pagpapatupad ng orihinal na inspirasyon, pagsasabalikat ng misyon, walang-takot na pagsasakripisyo, magiting na pagpupunyagi, pagiging matapat sa Partido Komunista ng Tsina at mga mamamayan, ay ang diwa ng pagkakatayo ng partido.

Ito aniya ang pinag-ugatan ng diwa ng partido.

Dapat walang hanggang ipagpatuloy ang diwang ito, saad ng pangulong Tsino.

Si Pangulong Xi ang siya ring Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Tagapangulo ng Central Military Commission ng bansa.

Source: http://filipino.cri.cn/20210701/6fdfac94-b4a8-a89a-ea21-65763ea36603.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.