Bagong ‘Delta Plus’ variant binabantayan

Sa kabila ng mahigpit na pagbabantay sa mas mapanganib at madaling makahawa na Delta variant, sinabi ng Department of Health na patuloy ang pag-aaral sa sinasabing bagong variant na Delta Plus mula India.

Ito’y matapos ideklara ng India na ‘variant of concern’ ang bagong uri ng variant makaraang halos dalawang dosena na ang dinadapuan nito sa bansa.

Tinukoy ang variant na Delta Plus at unang natukoy sa Europa, ayon sa health ministry ng India.

May tatlong katangian ang bagong variant.Una, mas mabilis itong maihawa; ikalawa, bumabalot ito sa mga cells ng baga; at ikatlo, may posibilidad na makakaiwas ito sa antibody ng tao.

Nabatid na nabuo ang Delta Plus variant dahil sa mutation ng orihinal na Delta strain na unang natagpuan sa India at tinutukoy na dahilan ng matinding ‘second wave’ ng virus sa naturang bansa.

Kung hindi agad maaksyunan, pinanga-ngambahan na maaaring magdulot ng ikatlong wave ang naturang variant.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/24/2107683/bagong-delta-plus-variant-binabantayan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.