Pinakamataas na parangal ng COA, tinanggap ni Mayor Joy

Sa kauna-unahang pagkakataon, tinanggap ng Quezon City government ang pinakamataas na rating award buhat sa Commission on Audit sa kanilang audit report sa taong 2020.

Ang ‘unqualified opinion’ ang pinakamataas na audit opinion na binibigay ng COA sa mga government agency kabilang ang local government unit.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang ganitong rekognisyon ay patunay lamang ng kanyang layon na maayos na pamamahala. Nagpasalamat din siya sa COA at sa mga tanggapan sa ilalim ng local government unit sa pagtatamo ng pinakamataas na antas ng parangal sa gitna ng nagaganap na pandemic.

Dagdag ng mayora, “Ito ang pinakamahalagang rekognisyon na tinatanggap ng LGU.Ito ang aming adhikain at isang magandang simula dahil nakamit natin ito sa kauna-unahang pagkakataon.”

Sa ilalim ng Belmonte administration, ang QC ay nagpatupad ng batas na nagpapahusay ng transparency at serbisyo.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/06/22/2107242/pinakamataas-na-parangal-ng-coa-tinanggap-ni-mayor-joy

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.