Delta variant mas mapanganib, madaling kumalat – expert

Hindi pa talaga dapat tanggalin ang pagsusuot ng face shield dahil sa mas mapanganib na COVID-19 Delta variant na maaaring maihawa kahit na sa mga pagkakataong saglit lamang ang kontak sa isang carrier.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, isang ‘infectious disease expert’ at adviser ng National Task Force on COVID-19, naiulat na mas nakakahawa ng apat na beses ang Delta variant na unang naiulat sa India kaysa sa orihinal na virus mula sa Wuhan, China at mas dobleng nakakahawa kumpara sa UK variant.

Aniya, “What’s scary for me is…what’s being reported by the Health Department in Australia is that it only takes fleeting contact with people who are infected for other people to get infected.”

Mas mabilis umano itong maipasa kahit saglit lamang ang interaksyon sa isang positibong tao kumpara sa ibang variants na kailangan ng 15 minuto bago maipasa.

Kapag nahawa, mas matindi umano ang tumatamang sakit kumpara sa ibang variants.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/23/2107462/delta-variant-mas-mapanganib-madaling-kumalat-expert

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.