40M Pfizer vaccine deal sinelyuhan ng Pinas

Nilagdaan na ng Pilipinas at ng US drugmaker Pfizer-BioNTech ang supply agreement para sa pagbili ng 40 million doses ng bakuna kontra COVID-19.

Inaasahang mag-uumpisang dumating ang bulto ng mga bakuna pagkatapos ng walong linggo simula sa Agosto.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., kasamang lumagda sa kasunduan si Health Secretary Francisco Duque.

Ito aniya ang pinakamalaking vaccine procurement deal na isinagawa ng pamahalaan ngayong 2021.

Paliwanag pa ni Galvez, bumababa na ang demand ng bakuna sa mga mayayaman at malalaking bansa dahil nakakuha na sila ng sapat na bakuna para makapagbakuna sa kanilang populasyon.

Ayon pa kay Galvez, “This has allowed the manufacturer to commit to us that deliveries, though still to be made in tranches, will be in bulk.”

Pinondohan ang kasunduan sa pamamagitan ng multilateral arrangement sa Asian Development Bank.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/21/2107016/40m-pfizer-vaccine-deal-sinelyuhan-ng-pinas

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.