Delivery ng 50K doses ng Sputnik V madi-delay

Madi-delay ang pagdating sa bansa ng 50,000 doses ng Sputnik V na gawa sa Russia, ayon kay National Task Force Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Ayon kay Galvez, nakatanggap ang NTF Vaccine Cluster ng isang sulat mula sa Russian Direct Investment Fund noong Hunyo 20 na nagsasabing ipagpapaliban sa ibang araw ang delivery ng Sputnik V Component II dahil sa upgrading ng bakuna.

Sinabi ni Galvez na ang parating na 50,000 doses ay para sa mga nakatanggap ng Component 1 nitong Hunyo.

Ani Galvez, “We have already informed all local government units who have administered the first dose of Sputnik V to their constituents that the schedule for the second shot will likewise be pushed back and will be rescheduled.”

Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi maapektuhan ang bisa ng bakuna kahit pa ma-delay ang pagbibigay ng pangalawang dose ng Sputnik V.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/24/2107681/delivery-ng-50k-doses-ng-sputnik-v-madi-delay

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.