‘Vaccine Express’ ni VP Robredo, dadalhin sa Visayas at Mindanao

Tiniyak ni Vice President Leni Robredo na dadalhin ng Office of the Vice President ang COVID Vaccine Express Program sa Visayas at Mindanao kabilang ang Davao City bilang tugon sa tumataas na kaso sa rehiyon.

Ang aksyon ni Robredo ay tugon sa naging apela ni Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez na palawigin ni Robredo ang drive-thru vaccination program nito sa Visayas at Mindanao na nakakaranas ngayon ng paglobo ng COVID-19 cases.

Sa isang twitter post ay agad na nagpasalamat si Rodriguez sa mabilis na pag-aksyon ni Robredo.

Sabi ni Rodriguez, “We need your project here in CDO to vaccinate more people. We need much help…for my constituents in Cagayan de Oro City.”

Sa unang araw ng Vaccine Express initiative ni Robredo sa Maynila ay nasa 2,275 tricycle, pedicab at delivery riders ang nabigyan ng bakuna bukod pa sa 500 pisong fuel incentive at nakatakdang isunod naman ang mga vendors.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/24/2107676/vaccine-express-ni-vp-robredo-dadalhin-sa-visayas-mindanao

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.