Eleazar sa mga pulitiko: ‘Wag magbayad ng ‘Permit to Campaign Fee’ ng NP

Nagpaalala si Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar sa mga kakandidato sa darating na 2022 elections na huwag magbayad ng “permit to campaign fee” ng New People’s Army.

Ayon sa Chief PNP, sasamantalahin na naman ng NPA ang pangangampanya para makakolekta ng pera mula sa mga kandidato para sa iba’t ibang lokal at pambansang posisyon.

Binigyan diin ni Eleazar na paglabag sa batas, partikular sa “Anti-Terrorism Act of 2020” ang pagbibigay ng pinansyal na suporta sa NPA.

Sa ilalim ng Terrorism and Financing Prevention and Suppression Act of 2012, ang pagbibigay ng pera sa anumang teroristang grupo ay kinokonsiderang direktang pagpondo sa mga terrorist attacks.

Ang paglabag aniya sa batas na ito ay may kaparusahang pagkakulong ng 20 hanggang 40 taon at multa na hindi bababa sa 500,000 piso.

Maaari pang i-freeze ng Anti-Money Laundering Council ang mga ari-arian ng mga lumabag.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/22/2107245/eleazar-sa-mga-pulitiko-wag-magbayad-ng-permit-campaign-fee-ng-npa

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.