Ilang ‘fully vaccinated’ Pinoy, nahawa pa rin ng COVID-19

Inamin ng Department of Health na may mga ‘fully vaccinated’ na Pilipino ang nahawa pa rin ng coronavirus disease na tinatawag nila ngayong ‘breakthrough infections.’

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “We have these so-called ‘breakthrough infections.’  Ito yung nagkakaroon ka ng COVID-19 kahit na ikaw ay nakapag-second dose na.”

Nilinaw naman ni Vergeire na hindi ito marami bagama’t hindi pa siya makapagbigay ng numero kung ilan na ang may kasong ganito.

Kailangan nilang makumpirma ngayon kung ilang araw matapos ang unang dose o second dose bago sila nahawa at nagkaroon ng COVID-19 para makagawa ng kaukulang mga hakbang.

Pero nilinaw pa rin ni Vergeire na mabisa pa rin ang mga bakuna upang hindi magkaroon ng malalang sakit na dulot ng virus. Maging ang mga bagong variants kabilang ang Delta variant na mula sa India ay nalalabanang mabuti umano ng mga bakuna.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/23/2107455/ilang-fully-vaccinated-pinoy-nahawa-pa-rin-ng-covid-19

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.