COVID-19 vaccination ng teenagers ‘aarangkada sa pagtatapos ng 2021’ — DOH

Bago magtapos ang taong ito, posibleng makakita na ng bakuna kontra COVID-19 sa kani-kanilang mga braso ang mga batang Pilipino, pagtataya ng Department of Health.

Ibinahagi ito ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing noong isang linggo matapos iekis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pilot face-to-face classes ng Department of Education.

Ani Cabotaje, “Depende po sa dami ng makukuhang mga bakuna over the next few months, titingnan po kung maisasama na ‘yong mga child population.”

Dagdag niya, “Malamang end of the year and beginning of next year pa natin makikita kung babakunahan itong ating mga teenagers.”

Matatandaang aprubado na ng Food and Drug Administration ng Pilipinas ang pagbibigay ng COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech sa mga batang edad 12 hanggang 15 matapos maamyendahan ang kanilang nakuhang emergency use authorization.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/22/2107349/covid-19-vaccination-ng-teenagers-aarangkada-sa-pagtatapos-ng-2021-doh

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.