Kooperasyon ng Belt and Road, ipinagpapatuloy kahit sa pandemiya – Wang Yi

Nang mangulo sa Komperensya sa Mataas na Lebel ng Asya at Pasipiko hinggil sa Kooperasyon ng Belt and Road, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ipinagpapatuloy ang kooperasyon ng Belt and Road, kahit sa panahon ng pandemiya ng COVID-19.

Aniya, nitong nakalipas na 8 taon pagkaraang iharap ang Belt and Road Initiative, napakalaking pagkakataon at benepisyo ang ibinunga nito para sa iba’t ibang bansa sa daigdig.

Aniya nilagdaan ng Tsina at 140 bansa ang dokumento ng Belt and Road. Lumampas na sa 9.2 trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at mga partner.

Iniharap din niya ang apat na mungkahi sa patuloy na pagpapalalim ng pandaigdigang kooperasyon sa bakuna, pagpapalakas ng kooperasyon sa konektibidad, pagpapahigpit ng kooperasyon sa berdeng pag-unlad, at pagpapasulong sa malayang kalakalan ng rehiyon, maging ng buong mundo.

Source: http://filipino.cri.cn/20210624/40e39c36-a2e2-1c39-5995-e277b8673e54.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.