Pwedeng magpabakuna kahit saan sa Pinas basta nakapagparehistro – DOH

Tiniyak ng Department of Health na maaaring mabakunahan ang sinumang Pilipino sa alinmang parte ng bansa basta nakapagparehistro sila sa lokal na pamahalaan para maiwasan ang ‘walk-in’ at hindi maging sanhi ng pagsisiksikan.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “Ibig sabihin, kung ikaw ay nagpunta sa Davao at ikaw ay puwede nang bakunahan, puwede ka bakunahan doon kahit hindi ka taga-Davao.”

Bahagi umano ito ng ‘no wrong door policy’ na ipinatutupad ng DOH kung saan hindi nila isinasara ang pinto sa lahat ng mga gustong magpabakuna kahit hindi sila residente ng lugar na kinaroroonan nila.

Ngunit hindi inirerekomenda ng DOH sa mga lokal na pamahalaan na tumanggap ng mga walk-in applicants dahil maaaring magresulta ito ng pagsisiksikan ng mga tao at posibleng pagkalat ng virus.

Mas makabubuti umano na magparehistro muna sa lokal na pamahalaan ang mga nais magpabakuna.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/22/2107252/pwedeng-magpabakuna-kahit-saan-sa-pinas-basta-nakapagparehistro-doh

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.