Digital ID ng bakunado target ng gobyerno

Target ng gobyerno na magkaroon ng digital ID ang mga kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na mahalaga ang QR Code na ibibigay sa mga bakunado.

Ani Nograles, “What we want really is a QR code, digital…The digital vaccination ID card will be very important.”

Sa kasalukuyan ay nagbibigay ang mga local government units ng cards sa mga nabigyan na ng bakuna na nagsisilbi rin nilang records.

Nakalagay sa card ang impormasyon ng brand ng bakuna, ilang doses ang ibinigay at kailan at saan ito natanggap. Sinabi rin ni Nograles na tinatalakay na nila kung ano ang mga benepisyong makukuha ng mga kumpleto na ang bakuna laban sa mga hindi pa rin nagpapabakuna.

Kabilang aniya sa isinusulong ang hindi na pagsasailalim sa RT-PCR tests sa tuwing pupunta sa mga tourist destinations.

Aniya mino-monitor rin ng task force ang ibang bansa na mayroong vaccine passports.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/22/2107250/digital-id-ng-bakunado-target-ng-gobyerno

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.