Duterte ipinatigil ang reclamation projects sa Manila Bay dahil sa korapsyon

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na korupsiyon ang dahilan kaya niya ipinatigil ang mga reclamation projects para sana sa Manila Bay.

Sa talumpati ni Duterte kamakalawa sa Camp Crame sa Quezon City, sinabi nito na libu-libo ang aplikasyon na natanggap ng gobyerno para sa Manila Bay reclamation pero ipinahinto niya ang mga ito dahil sa korupsiyon.

Dahil aniya sa mga nahintong proyekto, maraming malalaking kompanya ang nawalan ng pera o na-delay ang proyekto.

Ani Pangulong Duterte, “That is what I said. I told you do not give money to the people in government. If I know that you have given them even a single centavo, I will throw your application to the wastebasket. And I have done that and I’m doing it every day para talaga magtino ito.”

Ayon pa sa presidente, maraming tao na sa gobyerno ang pinatalsik niya sa puwesto at minsan ay isinisiwalat pa niya ang pangalan ng mga ito.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/27/2108376/duterte-ipinatigil-ang-reclamation-projects-sa-manila-bay-dahil-sa-korapsyon

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.