DILG ikinatuwa pagbasura ng Maynila sa kanilang ‘no walk-in’ vaccination policy

Ikinatuwa ng Department of the Interior and Local Government ang panunumbalik ng walk-in vaccinations laban sa COVID-19 sa Lungsod ng Maynila, bagay na una nilang itinigil noong isang Linggo.

Matatandaang noong isang Lunes nang ibalik ni Manila Isko Moreno ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa Lungod kahit hindi pa rehistrado, matapos na 4,800 sa 28,000 lang sa scheduled vaccinees ang pumunta sa mga bakunahan.

Ani acting Interior spokesperson Odilon Pasaraba, “Any strategy na makakatulong… without offending our established health protocols and other essential protocols sa vaccination is a welcome strategy.”

Aniya, ito raw ang tamang paraan para maging kampante at ligtas ang mga Pilipino sa gitna ng tumitinding COVID-19 pandemic.

Marso lang nang iulat ng Pulse Asia na 60% ng mga Pilipino ang ayaw magpabakuna laban sa COVID-19, kung saan na-cite ang pag-aalinlangan sa mga naturang gamot bilang rason.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/23/2107574/dilg-ikinatuwa-pagbasura-ng-maynila-sa-kanilang-no-walk-in-vaccination-policy

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.