80K OFWs nakatakdang umuwi

Inaasahan ng Overseas Workers Welfare Administration na uuwi sa bansa ang nasa 70,000 hanggang 80,000 OFWs na patuloy na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na marami pa ring nagsasara na kumpanya at nawawalan ng hanapbuhay sa ibayong-dagat dulot ng pandemya lalo na ng pagkakatuklas ng mga bagong variants.

Bukod dito, tinatayang 5,000 pang OFWs ang naapektuhan ng travel ban na ipinatupad sa United Arab Emirates.

Matatandaan na pinalawig ng pamahalaan ang travel ban sa UAE at anim pang ibang bansa hanggang Hunyo 30 dahil sa banta ng Delta variant, na unang natuklasan sa India.

Nasa 5.2 bilyong pisong pondo naman ang inaprubahan ng Department of Budget and Management bilang Special Allotment Release Order na gagamitin sa ‘accommodation at repatriation’ ng mga OFWs na tulong-pinansyal pag-uwi nila sa Pilipinas.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/06/21/2107012/80k-ofws-nakatakdang-umuwi

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.